Mula Sa Kanto Hanggang Sa Bahay

Ang sarap pagmasdan ng luntian at malawak na bukirin, mga ibong malaya sa paglipad, ilang bahay na may simpleng ganda, mga taong may hindi pamilyar na mukha sa aking ala-ala. Masarap ngitian ang mga dating kapitbahay na ngayo’y lumipat na. Matamis ang ngiting ibinalik nila sa akin, marahil ay sandali nilang nagunita ang musmos kong mukha nang mga panahong kalaro ko ang kanilang bunso. Kaysarap naman talagang hawiin ng buhok na tumatabon sa aking mukha dala ng malakas na hangin. Katamtaman ang init sa balat ng araw. Ang sarap din siguro hintayin ng dapit-hapon sa lugar na iyon ngunit hindi maari sapagkat magagalit ang aking nanay na naghihintay sa bahay.

Habang nababawasan ang mga hakbang na aking dapat tahakin, ay unti-unti namang bumabalik sa nakaraan ang aking isip.

Isang lumang tindahan kung saan paborito kong puntahan tuwing alas kwatro ng hapon noon, kung saan bumibili ako ng inihaw na saging at nakikipagbiruan sa tindera. Ilang taon na rin na sarado ang tindahan na iyon, at sa wakas, mukhang may bagong ookupa.

Maraming tindahan na pala ang nagsara. Mukha na silang tambakan ngayon, ngunit malinaw at makulay pa rin sa aking gunita ang dating mga lamesa, at kung paano ang pagkakasabit ng Sugo at Happy sa nakakabit na kawad, maging ang mga dating tindera ay akin pang naaalala, ngunit ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan na sila.

Mga bakanteng lote ngayon, na dati naming pinaglalaruan. Simula alas tres ng hapon ay sigurado na umuusok na ang paligid dahil sa alikabok. Nasaan na kaya ang mga paslit na ‘yon?

Ang dalawang puno ng niyog na dating napakataas ngayon ay putol na at hindi na makita ni ang ugat. Natatandaan ko pa ang balitang may magbibigti sana sa lubid na nakatali sa isang puno ngunit hindi natuloy dahil napigilan daw agad ng mga tao. Ginawa naming laruan ang kulay asul na lubid. Para kaming si Tarzan na lumalambitin doon, kahit pa mahulog, tatayo muli at walang maliw ang pananabik na lumipad muli.

Kaunting hakbang na lamang gamit ang sapin sa paa. Nagbago na rin ang daan papunta sa amin. Tumatagos ang aking tingin sa bahay na ngayon ay nakatayo sa lumang daan. Nakikita ko ang aking musmos na sarili habang masayang nagkakandirit at pinuputi ang lahat ng dahon na maaabot ng aking kamay.
Ngunit sa sandaling ito ay imposibleng tumagos din ang aking katawan kaya naman liliko na ako sa bagong daan.

Sa kabila ng lahat ng pagbabago, mananatiling pakanluran ang aking direksyon na magdadala sa aking mga paa upang marating ang aming bahay.

Tatlong segundo at tuluyan nang hinubad ang suot na sinelas.

“Ano, kamusta?” ang sambit ng aking ina.

Advertisements

Walang Kwenta ‘to, Sinsabi Ko Sayo

Sarap no, ung mag-isa ka na lang na gising sa loob ng bahay. Patay yung ilaw. Naririnig yung bentilador na biglang lalakas tapos hihina at babalik sa normal nitong ikot. Minsan nakakatakot ung bigla n lang iingay yun. Tapos katabi mo yung bintana, mas masarap kapag maliwanag ang buwan e, pero ngayon hindi masyado. Kita mo ung repleksyon ng liwanag sa bubog ng bintana nyo, aminin mo nararamdaman mo na hindi ka nag-iisa kapag nakikita mo ung liwanag na yun. Hindi sa pananakot ha. Yun bang nararamdaman mo yung buwan na sinasamahan ka. Tapos may pasak na earphone tenga mo, play lang ng songs na kalmado.

Daming naiisip kapag ganun diba.
Pano kung sa kabilang dako ng mundo may isang tao na kapareho natin ang ginagawa ngayon?
Pano kung yung deja vu, bunga ng reign carnation?
‘di kaya totoo yung Agartha? Baka mamaya pag tulog na ko may mag inject sakin tapos magbuntis ako ng alien.
Yung time travel, totoo kaya? Pano kung magtravel ako mmaya, gusto ko makita kung magkakabanda ba ako sa future. Wow. Or kung hindi ba ako baog at magkakaanak ako ng dalawa, ang pangalan nila ay Eufy at Lelou tapos daddy nila si… showbiz po showbiz.
Yung buong mundo ba at lahat ng nandito pati oras tumitigil sandali? Posible kaya yun? Yung kahit 3 seconds lang tapos may nanonood satin na siya/sila ung nagkkontrol nun. At hindi natin namalayan na nangyari pala yun akala natin normal lang lahat.
Yung mga namamalikmata ba dapat talaga katakutan?
Tapos yung kapag nagising ka daw nang alas tres ng madaling araw, may nanonood daw sayo nun.
Wait lang, pinangingilabutan ako ngayon ah.
Ayoko manakot.
Yung mga isda ba sa dagat alam din ba nila kung paano nabubuhay ang tao?
Yung mga ibon pinag-uusapan ba nila tayo minsan kapag nandun sila humihelera sa kable ng kuryente na para bang isang tropa?
Mm. Yung mga bato sa labas ng bintana, nasasaktan kaya sila pag naaapakan?
May nabasa ako dati, 11 consecutive nights na hindi nakatulog ung lalakeng depressed, namatay sya.
Pag ginawa ko kaya yun mamamtay ako? Kaso antukin ako e.
Yung mga malulungkot, ung sobrang lungkot, depresyon na yata yun kasi pinagtatangkaan na nilang patayin sarili nila e, bat hindi sila nasasaktan sa paglalaslas?
Kasi nung sinubukan ko yun isang beses…..huhu! gusto ko lang mamatay pero ayoko masaktan.
Bakit yung buhok hindi naaagnas no? Kasi ung buhok ng yumao kong lola nakita ko mga buto nya saka buhok nya. Tapos sabi nila hindi daw talaga naaagnas un.
Tapos noong mga nakaraang araw, ngayong month din ng January yun, maraming sunod-sunod na gabi na umaalulong yung aso , medyo kalayuan na dito sa bahay namin. Palagi ko napapakinggan kasi tahimik na paligid nun e, malalim na ang gabi.
Ano yun? Nagtatawag kaya ng kung anuman yun? Bakit kaya umaalulong? Minsan iniisip ko baka humihihingi ng tulong, kaso baka pag punta ko dun may makita ako na kalahating katawan tapos bumubula-bula ung laman-loob. Hohoho. Ganun ung napapanood ko nung bata pa ako e.
Kakatilaok lang ng manok namin sa likod ng bahay, may manok ba na spoiled?
Bakit pag tumilaok ung manok namin, titilaok din ung sa kapitbahay, nagbabatian ba sila?
Ay! Yung langgam, napakafriendly nila. Lahat ng nakakasalubong binabati. Minsan tuloy traffic na.
Ang ingay nung bentilador pero masarap pakinggan kapag ganitong oras.
Tapos yung tunog nyan kapag tirik na tirik ang araw sa tanghali, tapos nanonood sa tv, ang lakas maka-“sarap ng buhay dati”.
Nung bata pa tayo, imagine mo ha, pinapatulog tayo sa tanghali tapos nakatutok satin yung bentilador, habang iniisip mo ngayon… parang isang musika diba?

Maingay pero itinuturing kong musika ang bentilador. Parang yung utak natin ngayong madaling araw, ang ingay pero hindi naman masama diba?
Yung katabi mo sa classroom, grabe hindi na bibig, bunganga na sa ingay e, pero lakas makapagpatawa diba?
Yung bentilador kaya nakikita ako ngayon, naiisip kaya nya na naiisip ko sya.
Uy salamat sa hangin ha. Ang lamig ng panahon ngayon pero may kumot kasi ako kaya naiinitan ako, thank you sa hangin ha.

Salamat din sa pakikinig kahit kanina ka pa dada ng dada jan. Matulog ka na din! Di ka ba napapagod jan, hanggang umaga ka na naman magbibigay ng hangin sakin nyan. Siguro naman makakapahinga na ung utak ko ngayon. Oh, bat humihina tunog mo? Nalulungkot ka ba? O sige samahan pa kita, siguro dahil wala kang kadaldalan no. Minsan dalawin mo ung bentilador sa sala magchikahan kayo. Di ka ba nangangawit sa pagkakasabit mo jan? Ay! nakakaramdam ka din ba ng kilig… kasi may kuryenteng dumadaloy sayo ngayon oh!? ayieee. Bat walang double fan no? Dapat meron naman. Sino kaya gagawa nun. Sa generation kaya namin mangggaling yung tao na yun? Hm. Baka meron na nun search ko bukas. Baka hindi lang ako updated. Yaan mo chika ko kagad sayo. Imagine mo sabay kayo lilingon sa isat isa. Yieee. Doble-doble na nerbyus system mo nun. Tapos slow-mo.
Uy kumikirot na ulo ko. Tulog na ko? Bukas usap ulit tayo pagkauwi ko. Sweet dreams bentilador!

//BENTILADOR

A Green Letter Found in An Old Box

I’m sorry self for eating your words. You used to give advices about how precious someone is, and that (s)he deserves a lot of love. You used to lift others’ dying hope. You encouraged those who suffer from loneliness. You gave every words you got just to save others from depression. So I’m sorry because I ate your words. I’m sorry I can’t apply them to heal you. I’m sorry I let you down. I’m sorry I make things even harder. I’m sorry I feed your sadness. I’m sorry. I should learn how to make you free, how to let you go. I should learn how to give you a rest. I hope you feel happy again like you used to.

Para sa ‘yo

🙂 ‘wag kang magdalawang isip na gawin ang mga gusto mong gawin dahil inaalala mo ang posibleng maging reaksyon nila.

‘wag mong pigilan ang sarili mo na magpakatotoo dahil sa takot na hindi ka nila magustuhan.

‘wag kang mag-alinlangan na ipakita ang magagandang katangian at angking talento na meron ka dahil sa takot na hindi iyon pumasa sa sukatan nila at mabalewala ka.

Hayaan mo na ‘yang mga takot na yan. Hindi ka sasaya kung ikukulong mo ang damdamin mo sa kung ano ang gustong mangyari ng madla.
Hayaan mong maging payapa ang ‘yong isipan.
Humihingi ‘yan ng pahinga pero inaabuso mo naman sa kaiisip sa sinasabi ng iba.

Hindi mundo ang pinakamahirap na kalaban dito, kundi ang sarili mo. Walang magagawa ang napakaraming payo, o anumang bagay na akala mong makapagbabago ng direksyon ng pagtingin mo sa buhay at paligid mo kung hindi ka maniniwala sa sarili mo, kung hindi ka magtitiwala sa kakayahang taglay ng puso at tapang mo.

Higit sa lahat, walang makapagbabago sa isip ng tao kundi ang reyalisasyon na matatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Panginoon.

Kay God ka muna makinig bago sa mga taong nakapaligid,
para tarakan ka man ng maraming patalim, pananaw mo’y hindi madaling magdidilim,
dahil alam mo ang totoo,
na Siya lang ang tunay na nakakakilala sa pagkatao mo.

-Sarili